Tropical depression na malapit sa Palau pumasok na sa PAR; pinangalanang “Queenie”
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ang tropical depression na malapit sa Palau.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang tropical depression ay pinangalanang “Queenie.”
Sa ngayon, nakataas na ang heavy rainfall warning sa Palawan, na nangangahulugan na posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
Gayunman, sinabi ng PAGASA, na ito ay dahil pa rin sa bagyong “Paeng,” na sa ngayon ay namataan sa layong 320 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Iba, Zambales.
Ayon sa weather bureau, mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang makaaapekto sa katimugang bahagi ng hilagang Palawan, Cuyo Group of Islands, at Occidental Mindoro (Lubang, Looc, Sablayan, southern portion ng Occidental Mindoro).
Dagdag pa ng PAGASA, maaaring magpatuloy ang mga kondisyong ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras at maaaring makaapekto rin sa mga kalapit na lugar.