Tropical Storm Ineng pinalalakas ang Habagat – PAGASA
Isa na ngayong tropical storm at tatawaging Ineng ang low pressure area na binabantayan ng state weather bureau PAGASA.
Kaninang alas-kuwatro ng madaling araw, namataan ang tropical storm Ineng sa layong 925 kilometers sa silangan ng extreme Northen Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at bugso na 55 kph.
Walang direktang epekto sa bansa si Ineng maliban sa trough na magdudulot ng ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Patuloy pa ring pinapa-igting ng bagyong Hanna na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR at Ineng ang southwest monsoon o habagat na siyang magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa forecast, mananatiling malayo sa bahagi ng kalupaan si Ineng kaya’t hindi inaasahang magpapatupad ng anomang wind signal.
Inaasahang mabilis na lalabas ng bansa si Ineng mamayang gabi o bukas ng umaga.
Dahil sa enhanced habagat inaasahang magdadala itong bugso ng ulan sa Batanes, Ilocos provinces, Western portion ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Lubang Islands.
Weng dela Fuente