Tropical storm ‘Jelawat’, inaasahang papasok sa bansa ngayong araw hanggang bukas
Makakaranas ng mga pag-ulan ang Eastern section ng bansa dahil sa bagyo na kasalukuyang nasa labas ng Philippine area of responsibility o PAR.
Posible umanong pumasok sa bansa ngayong araw hanggang bukas ang Tropical storm na may international name na Jelawat.
Dahild ito, posibleng manatili ang sama ng panahon hanggang sa Biyernes bago tuluyang lumabas ng bansa.
Huling namataan ang tropical storm sa kayong 1,320 kilometrong Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay ni Jelawat ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at tinatahak ang direksyon ng West-Northwest sa bilis na 23 kilometers per hour.
Kahit malayo pa ay magdadala pa rin ng sama ng panahon hanggang sa maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Eastern Visayas at Caraga region.
==============