Tropical storm Ofel, posibleng humina bilang LPA sa susunod na 24 oras habang tinatahak ang West Phil. Sea; Malaking bahagi ng Luzon at Visayas, patuloy na uulanin dahil sa Habagat
Patuloy na tinatahak ng Tropical storm Ofel ang West Philippine Sea at kumikilos pa-Kanluran, Kanlurang-Hilaga ng bansa.
Ayon sa latest forecast ng Pag-Asa, posibleng humina na bilang isang Low pressurea area (LPA) ang bagyo sa susunod na 12 hanggang 24 oras habang nasa West Phil. Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 275 kilometrong Kanluran ng Tanauan city sa Batangas, taglay ang lakas ng hanging aabot ng 45 kilometro kada oras at pagbugso ng hanggang 55 kilometro kada oras.
Gayunman, patuloy na makakaranas ng maulang panahon ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Palawan (kasama ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands) dahil sa Southwest Monsoon.
Pinag-iingat din ang mga residente sa mga nasabing lugar sa flashfloods at landslides na maaaring mangyari sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.
Wala na ring nakataas na Tropical wind signal sa alinmang bahagi ng bansa ngunit makakaranas pa rin ng pabugso-bugsong hangin ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, and Palawan (kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands).
Nakataas pa rin ang Gale warning sa lahat ng seaboards ng Northern Luzon at Aurora kaya mapanganib ang paglalayag lalu na sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
areas.Location of eye/center: At 10:00 AM today, the center of Tropical Depression “OFEL” was estimated based on all available data at 275 km West of Tanauan City, Batangas (14.1 °N, 118.5 °E ) Strength: Maximum sustained winds of 45 km/h near the center and gustiness of up to 55 km/hMovement: Moving Westward at 20 km/hForecast Positions • 24 Hour(Tomorrow morning): 960 km West of Central Luzon (OUTSIDE PAR)(15.0 °N, 111.4 °E)No Tropical Cyclone Wind SignalThe public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next update to be incorporated in the 4 PM Public Weather Forecast and in the next Severe Weather Bulletin to be issued at 11 PM today.