Truck ban, muling ipatutupad ng MMDA simula Dec. 14
Simula December 14 ay muling ipatutupad ang Truck ban.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago, nangangahulugan itong hindi na papayagang dumaan ng Edsa ang mga truck na may anim na gulong pataas mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.
Gaundin mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.
Sinabi ni Pialago na sakop din ng truck ban maging ang bahagi ng C-5 at iba pang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na pinangangasiwaan ng MMDA.
Samantala, sinabi ni Pialago na maglalabas pa ng hiwalay na abiso para naman sa mga itinuturing na light trucks dahil mayroon aniya itong ibang polisiya.
Magugunitang pansamantalang inalis ng MMDA ang truck ban nitong unang bahagi ng tapn para matiyak ang matatag na suplay ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng Pandemya.