Trust approval rating ni PBBM bumagsak ng 15 porsiyento dahil sa pagsirit ng Inflation

Hinimok ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na sibakin ang mga miyembro ng gabinete nito na may palpak na performance

Iyan ay dahil sa pagbaba ng trust approval rating ng Pangulo na ayon kay Zubiri ay dulot ng patuloy na pagsirit ng inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin

Sa Pulse Asia survey, bumagsak ng 15 percentage points ang trust at approval rating ng Pangulo nitong Setyembre sa kasagsagan ng pagmahal ng presyo ng bigas.

Panahon na aniyang suriin ng Malacanang ang performance ng mga itinalaga sa puwesto lalo na ang mga may mandato na kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo

Aminado si Zubiri na naiinis ang taumbayan sa gobyerno kapag mataas ang presyo ng mga bilihin, pamasahe at serbisyo

“Suggestion ko sa Pangulo is to crack the whip with his cabinet lalo na yung poorly performing members of the cabinet na imbes na tumulong ay lalong napeperwisyo ang ating Pangulo. I mean if the problem is inflation, then look at the agencies that is supposed to tried trace and track hoarders why there is overpricing for example? Bakit nagkakaroon ng overpricing? pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri

Sabi ni Zubiri, wala namang kakulangan sa suplay ng mga pagkain pero nagmamahal dahil sa smuggling at mga hoarders o nagsasamantala at nagtatago ng produkto para tumaas ang presyo

Pero sa kabila ng utos ng Pangulo na tugisin, wala pang nakakasuhan at napapanagot sa batas.

Apat na departamento ang para kay Zubiri ay may palpak na performamce pero tumanggi na syang isa-publiko

“That is a wake call to all of us. We need to crack the whip dapat may mapalitan tayo opisyal na di gumagalaw, di umaaksyon at walang empathy sa taumbayan kung pagmamahal sa ating mga kababayan. I wish i could name names pero kausapin ko muna Pangulo pero may ahensya diyan na sa tingin ko talagang tanggalin na ang kanilang secretary at palitan na sa mga bagong secretary sa tingin ko may puso para sa masa.” wika pa ng Pangulo ng Senado.

Naiintindihan niya bakit hanggang ngayon wala pang napipisil ang Pangulo para pamunuan ang Department of Agriculture o DA

Pero sana ang italaga aniya ng Pangulo ay ang kalihim na may malasakit lalo na sa kapakanan ng mga magsasaka

“If the President finds a secretary that he feels that he is capable of running it, then it should be done. kasi sa dami ng problema ng pangulo he can’t concentrate on the day alone. Kailangan niya maghanap ng ilalagay diyan lalo na may puso para sa masa, may puso sa ating mga magsasaka.” dagdag pa na pahayag ng mambabatas.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *