TS Agaton, napanatili ang lakas; 4 na lugar nananatili sa TCWS No. 2
Napanatili ng Tropical Storm Agaton na may international na name na Megi ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-Kanluran sa coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar.
Sa 11:00 am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 10.9°N, 125.6°E ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 105 km/h.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa 4 na lugar:
- southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City);
- southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita);
- northeastern portion ng Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa)
- northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Habang nakataas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- nalalabing bahagi ng Eastern Samar,
- nalalabing lugar sa Samar,
- Northern Samar,
- Biliran,
- nalalabing lugar sa Leyte,
- Southern Leyte,
- northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon, San Remigio) kasama ang Camotes Islands
- Surigao del Norte
- at nalalabing bahagi ng Dinagat Islands
Please follow and like us: