Tsitsipas at Kyrgios maghaharap sa Wimbledon
Maghaharap ngayong Sabado sa Wimbledon si Stefanos Tsitsipas at Nick Kyrgios sa isang “blockbuster clash,” kung saan ang mananalo ang malamang na magiging “main obstacle” sa daraanan ni Rafael Nadal patungo sa final.
Ang fourth seed na si Tsitsipas na lamang ang tanging iba pang top-10 player na natitira sa bahagi ng draw ni Nadal.
Napakataas ng confidence ni Tsitsipas, matapos niyang makuha ang una niyang grass-court title sa Mallorca noong isang linggo, at mayroon na siya ngayong 8-2 record ngayong season.
Haharapin ng Greek player ang lalaking isang beses lang niyang natalo sa apat na matches.
Si Kyrgios, na nanguna nang magharap ang dalawang players sa Halle noong isang buwan, ay pinag-uusapan ngayon on and off ng Wimbledon court.
Ang kanyang pambungad na panalo laban kay Paul Jubb ng Britain ay sinira ng kaniyang pag-amin na siya ay dumura sa direksyon ng fans na inakusahan niya ng kawalan ng galang, at tinarget din ang mga opisyal.
Ang 27-anyos na pinagmulta rin ng $10,000 sa nangyari noong Martes, ay hindi rin maganda ang mood sa kaniyang post-match press conferences.
Sinabi ng 40th ranked na si Kyrgios matapos ang kaniyang straight-win laban kay Filip Krajinovic . . . “I just feel like I’m comfortable in my own skin. Some people love to just tear me down. It’s just not possible anymore.”
Ayon naman kay Tsitsipas, na nakaabot sa fourth round noong 2018, sabik siyang makaharap si Kyrgios, na tumalo kay Nadal patungo sa quarter-finals noong 2014.
Aniya . . . “I respect him a lot, on the court, what he’s trying to do. Although he has been a little controversial in the past, I think he’s playing good tennis.”
Sakaling manalo ngayong Sabado, ito ang magbibigay kay Kyrgios ng isang season-leading 10th victory sa grass court.
© Agence France-Presse