Tsitsipas nahirapan sa kaniyang problema sa likod, nag-pullout sa kaniyang opening singles match
Nahirapan ang Australian Open contender na si Stefanos Tsitsipas sa kaniyang lower back problem, sanhi upang mag-pullout siya sa kaniyang opening singles match ng season sa United Cup.
Makakalaban dapat ng world number six na si Tsitsipas ang Chilean number one na si Nicolas Jarry, ngunit hindi na natuloy kaya’t ang teammate na lamang nito na si Stefanos Sakellaridis ang sumabak sa Group B sa Sydney.
Mahusay naman ang ipinakitang laban ng 19-anyos at ranked 416 na si Sakellaridis, ngunit nadaig pa rin ito ng ranked 18 na si Jarry sa score na 6-3, 3-6, 7-5.
Bago ito ay tinalo ng Greek world number eight na si Maria Sakkari si Daniela Seguel ng Chile, sa score na 6-0, 6-1.
Si Tsitsipas ay bumalik para sa krusyal na mixed doubles decider kasama sa Sakkari, subalit natalo sila ni Seguel at Marcelo Barrios Vera sa score na 6-7 (5/7), 6-3, 10-6.
Sabi ng tuwang-tuwang si Barrios Vera, “It’s amazing, amazing. It’s our second match as a team, so we’re super happy.”
Kita-kita na nahirapan si Tsitsipas, na nakarating sa Australian Open final noong nakaraang taon, ngunit natalo laban kay Novak Djokovic, sa kaniyang serve sa mga huling bahagi ng match, at ngumingiwi habang hinahawakan ang kaniyang likod.
Habang pinanonood si Sakkari sa singles match ay sinabi ni Tsitsipas sa host broadcaster, “There are a few chances I might not play and there are a few chances that I might against Chile. I’m kinda 50-50 so far. We’ll wait and see.”
Anim na ulit na naging Grand slam semi-finalist, si Tsitsipas ay may 10 ATP Tour titles sa kaniyang pangalan, pero hindi pa rin nagkakaroon ng una niyang major win.
Tungkol naman sa kanilang laban ni Sakellaridis ay sinabi ni Jarry, “It was an incredible match, very tough for me. Stefanos played amazing. I think he was grinding a lot, so it was a very tough opponent and I’m happy to be able to be there mentally.”
Si Sakkari, ang highest-ranked Greek woman sa kasaysayan, ay gumugol lamang ng 68 minuto upang talunin si Seguel, na sa unang pagkakataon sa kaniyang career ay humarap sa isang top-20 player.
Samantala, ang world number one na si Djokovic ay maglalaro mamaya sa Perth laban kay Jiri Lehecka ng Czech Republic. Aabante na ang Serbia sa quarter-final showdown sa Australia sakaling manalo siya.