Tuberculosis, itinuturing na ring “rare disease” ng DOH, TB elimination target sa 2022
Pinangunahan ng Department of Health ang pagunita sa World TB day na mat temang “sama samang tuldukan ang TB”.
Ito ay batay sa global theme na “Unite to endTB; leave no one behind!”
Layunin nito na ipalaganap sa mundo ang hangaring mawala na ang sakit na Tuberculosis na hanggang sa kasalukuyan ay nakaaapekto sa aspetong pangkalusugan ng populasyon ng bawat bansa.
Ayon sa DOH, kung noon, nasa pang apat sa pinakamataas na bilang ng kaso ng mga may Tuberculosis ang Pilipinas sa buong mundo, bumaba na ito sa pang walo.
Target ng kagawarang pangkalusugan na tuluyang mawala na ito sa 2022.
Sinabi ni Dra. Rosalind Vianzon, Division Chief, ng disease, prevention and control bureau ng DOH, bagaman may mga taong tinatawag na high risk population, walang sinuman ang ligtas sa Tuberculosis.
Sa ngayon aniya, mas madali nang ma-detect kung ang isang tao ay mayTuberculosis, dahil, sa pinakabagong technology na kung tawagin ay gene expert.
Nilinaw din ni Vianzon na hindi sigarilyo, hindi alikabok, hindi usok ang sanhi ng Tuberculosis kundi isang mikrobyo o bacteria. ito ay isang infectious disease.
Binigyang diin ni Vianzon na malaking tulong din ang programa ng DOH na tinawag na Directly Observe Treatment Short Course o DOTS kung saan ito ay nasa i90 cites sa buong bansa.
Anim na buwang tuloy tuloy na gamutan sa isang pasyenteng may TB sa ilalim ng programangDOTS ay tiyak ang kanilang paggaling at ito ay libre.
Kaya naman, ang mga taong dinapuan ng sakit na nabanggit ay hindi na dapat mangamba dahil sila ay gagamutin ng libre at hindi sila dapat na matakot dahil ang Tuberculosis ay nagagamot.
Ulat ni: Anabelle Surara