Tulong bumuhos, makaraan ang malakas na lindol sa Myanmar

0
MYANMAR 7.7-MAGNITUDE EARTHQUAKE

A view shows a collapsed building after a strong earthquake struck central Myanmar, in Mandalay, Myanmar, March 29, 2025 / Reuters

Bumuhos ang tulong mula sa mga katabing bansa, gaya ng warships at aircraft na may kargang relief materials at rescue personnel, kasunod nang malaking lindol na tumama sa Myanmar.

Hindi bababa sa isanglibo at anim na raang katao ang namatay at tatlong libo, apat na raan naman ang nasaktan sa pagtama ng 7.7-magnitude na lindol na isa sa pinakamalakas na naranasan ng Myanmar sa nakalipas na siglo.

Ayon sa junta chief na si Senior General Min Aung Hlaing, “All military and civilian hospitals, as well as healthcare workers, must work together in a coordinated and efficient manner to ensure effective medical response.”

People sit near a pagoda damaged during a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 29, 2025 / Reuters

Ang naturang lindol ay yumanig din sa ilang bahagi ng katabing Thailand, na nagpabagsak sa isang under-construction skyscraper at ikinamatay ng labingpitong katao sa buong kabisera, habang hindi naman bababa sa pitompu’t walo katao na-trap sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

Ayon sa United Nations, ang “deadliest natural disaster” na tumama sa Myanmar sa loob ng maraming taon, ay sumira ng mahahalagang mga imprastraktura, kabilang ang isang paliparan, mga lansangan at mga tulay, na sanhi upang maging mabagal ang humanitarian operations.

Sa ilan sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan, sinabi ng mga residente sa Reuters na ang tulong ng gobyerno ay kakaunti sa ngayon, kaya’t kinailangan nilang kumilos na lamang sa sarili nila.

Sa kabila naman ng ilog ng Irrawaddy sa Mandalay, sinabi ng isang rescue worker na karamihan sa mga operasyon sa pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa ay isinasagawa ng maliliit, self-organised resident groups na kulang sa kinakailangang kagamitan.

Rescue personnel work at the site of a building that collapsed, following a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 29, 2025 / Reuters

Ayon sa rescue worker na ayaw magpabanggit ng pangalan, “We have been approaching collapsed buildings, but some structures remain unstable while we work.”

Sinabi naman ng isa pang humanitarian worker at dalawang residente sa lugar, na maraming tao ang pinangangambahang nakulong sa ilalim ng mga gumuhong gusali sa buong Mandalay, ngunit karamihan ay hindi maabot o mahugot nang walang tulong ng heavy equipment.

Ayon naman sa U.N. Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, “Hospitals in parts of central and northwestern Myanmar, including Mandalay and Sagaing, were struggling to cope with the influx of injured people.’

A man walks the rubble of the building that collapsed following a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 29, 2025 / Reuters

Ang India, China at Thailand ay ilan sa mga kapitbahay na bansa ng Myanmar na nagpadala ng relief materials at teams, kasama ng aid at personnel mula sa Malaysia, Singapore at Russia.

Sinabi ni Indian Foreign Minister Subrahmanyam Jaishankar, na tutulong ang Indian army sa pagtatayo ng isang field hospital sa Mandalay, at dalawang navy ships na may dalang supplies ang patungo naman sa commercial capital ng Myanmar na Yangon.

Dumating na rin ang maraming team ng Chinese rescue personnel, kabilang ang isa na tumawid mula sa southwestern province ng Yunnan, ayon sa social media post ng China embassy sa Myanmar.

Ngayong Linggo, isang 78-member team mula sa Singapore, na may kasamang rescue dogs, ang nagsagawa ng operasyon sa Mandalay, ayon sa state-media.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *