Tulong ng lahat ng ahensya ng pamahalaan mula sa national hanggang local level , inaasahan ni Pangulong Duterte
Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na tatalima at tutulong ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan mula national hanggang sa local level kaugnay ng isasagawang 3 araw na Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 na magsisimula sa November 29 hanggang December 1 sa pangunguna ng Department of Health o DOH at Department of Interior and Local Government o DILG.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People na naglabas na siya ng direkta na gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno upang maisakatuparan ang anti COVID-19 Bayanihan Bakunahan na isasagawa sa 16 na rehiyon sa bansa kung saan target na mabakunahan ang 15 milyong indibiduwal.
Ayon sa Pangulo malaki ang papel na gagampanan ng local government units o LGUS para madala sa mga vaccination sites ang mga hindi pa nakakatanggap ng anti COVID-19 vaccine.
Naniniwala ang Pangulo sa pamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor ay mapapalakas ang anti COVID 19 vaccination effort ng pamahalaan upang matapos na ang pandemya ng coronavirus sa bansa.
Vic Somintac