Tuluy-tuloy at stable na suplay ng Covid-19 vaccine, sa July pa
Sa buwan pa ng Hulyo inaasahan na magiging stable ang suplay ng anti- COVID-19 vaccine sa bansa.
Ito ang inihayag ni National Task Force o NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Ayon kay Galvez sa July ay mayroon ng sapat na supply ng anti COVID-19 vaccine dahil karamihan sa mga mayayaman at malalaking bansa sa Europa maging sa Amerika ay tapos na sila sa pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.
Inihayag ni Galvez na tuloy-tuloy ang negosasyon ng Pilipinas sa mga vaccine manufacturers para siguradong makakakuha ng supply ng anti COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Galvez sa July din inaasahan na mababakunahan ang general public sa bansa dahil darating na ang malaking bulto ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Vic Somintac