Tumana at greenland sa bagong silangan idineklara ng danger zone ng Quezon city
Idineklara nang danger zone ng Quezon city government ang Tumana at Greenland sa Baranggay Bagong Silangan sa Quezon city.
Ang naturang lugar ang madalas na lumulubog sa tubig baha tuwing may bagyo at malakas ang ulan.
Sa kasagsagan ng bagyong Karding kagabi, aabot sa 532 pamilya ang inilikas matapos umabot sa dibdib ang tubig baha.
Ayon kay Quezon city Mayor Joy Belmonte, dahil nasa danger zone, prayoridad nilang mabigyan ng disenteng pabahay ang mga residente doon sa ilalim ng housing projects ng Marcos administration na gagawin sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na sa Quezon city, aabot sa 13,000 na mga pamilya ang nakatira sa danger zone.
Pero habang hindi pa nasisimulan ang proyektong ito nagpatayo aniya ang City government ng four storey evacuation center sa bagong silangan na may maayos na pasilidad kumpara sa mga eskwelahan na ginagamit ngayong mga evacuation centers.
Ipinarerepaso na rin ni Belmonte sa kung may savings ang lungsod para mabigyan muli ng limang libong pisong disaster assistance ang mga residenteng matinding tinamaan ng bagyo.
Meanne Corvera