Turismo sa Batangas, bumagsak ng 30% dahil sa lindol
Aminado ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Batangas na mabilis na bumaba ang turismo sa lalawigan dahil sa sunod-sunod na pagyanig.
Ayon sa PDRRMO-Quezon, halos 30 percent na ang ibinaba ng turismo dahil sa takot ng mga local at foreign tourist magtungho sa Batangas.
Sa ganitong panahon madalas mataas ang naitatalang data rate sa turismo lalo pa at isa ang Mabini sa dinarayo ng mga turista tuwing summer season.
Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng bilang ng mga bisita na pumupunta sa mga resort at iba pang pasyalan sa lugar.
Please follow and like us: