Turismo sa Pilipinas higit na lalago kasunod ng WHO declaration na nag-aalis sa COVID bilang global health emergency
Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na isang global health emergency ang COVID-19.
Sinabini Tourism Secretary Christina Frasco na ang pagtatapos ng pandemya ay hudyat ng pag-asa na ang turismo sa Pilipinas ay patuloy na lalago at magbabago bilang powerhouse sa rehiyon.
Ayon sa kalihim, milyun-milyong tourism workers at stakeholders ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
Binigyan-diin muli ng kalihim ang mahalagang papel ng turismo para muling buhayin ang pambansa at local na ekonomiya.
Inihayag ni Frasco na sinimulan na ng Administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng mga polisiya para buksan ang turismo ng Pilipinas sa buong mundo.
Gayundin, ang promosyon ng mga hanapbuhay at paglikha ng mga trabaho, ang paghikayat ng maraming investments para pakinabangan ng maraming Pilipino ang turismo.
Moira Encina