Two-time Olympic skating champion na si Hanyu, nagretiro na sa edad na 27
Nagretiro na nitong Martes ang two-time Olympic figure skating champion ng Japan na si Yuzuru Hanyu sa edad na 27, sanhi ng hirap na dinaranas sa tinamong injuries sa Beijing Games ngayong taon.
Ibinaba na ang kurtina sa maningning na career ni Hanyu na naging isang national icon, na hinahangaan ng kaniyang fans sa buong mundo.
Ito ay kasunod ng sunud-sunod na pinsala, kabilang ang tinamo niya noong Pebrero sa Beijing, kung saan ang “Ice Prince” ay pinatalsik bilang Olympic champion ng karibal niyang si Nathan Chen ng United States, nang si Hanyu ay matapos sa nakadidismayang ika-apat na puwesto.
Suot ang isang dark suit, sinabi ni Hanyu sa press conference na punong-puno ng tao na tapos na siya sa pagiging competitive athlete.
Ayon kay Hanyu . . . “I’ll no longer be compared with other skaters as a competitor,” at sinabing magko-concentrate na lamang siya sa exhibition shows para sa kaniyang fans.
Dagdag pa niya . . .“I have no sadness. I want to continue to do my best. I don’t like using the word ‘retire’.” Ice shows tend to be considered something elegant and fun, but I want to remain more of an athlete…. I want people to see me as I continue to fight.”
Sa kaniyang graceful skating style at delicate, boyish looks, si Hanyu ay isang icon para sa kaniyang “Fanyu” supporters, na laging namumudmod ng Winnie the Pooh toys pagkatapos ng kaniyang routines.
Napanalunan niya ang una niyang Olympic singles title sa 2014 Sochi Games, at pagkatapos ay naging unang lalaki sa loob ng 66 na taon na nakapagtanggol ng kaniyang korona apat na taon makalipas sa Pyeongchang.
Napanalunan din niya ang world championships noong 2014 at 2017, ngunit nagkaroon siya ng pinsala nitong nakalipas na mga taso, kabilang ang isang ankle ligament problem na kailangan niyang tiisin para mapanalunan ang ikalawa niyang Olympic gold.
Ang kaparehong pinsala ang pumuwersa sa kaniya para hindi makalahok sa 2021 Grand Prix season, ngunit naging matagumoay naman ang kaniyang pagbabalik noong 2021 sa Japanese national championships.
Sa naturang kompetisyon tinangka ni Hanyu na maging unang skater na nakagawa ng isang Quadruple axel jump, na inaasahang magiging secret weapon niya sa Beijing Games.
Subali’t dalawang ulit siyang bumagsak at sinabing pakiramdam niya ay lahat ay mali nang pagkakataong iyon.
Sinabi ni Hanyu noong Martes, na ikinonsidera niyang tapusin na ang kaniyang competitive career makaraan ang Pyeongchang noong 2018, pero nagpasyang ituloy ang laban para sa kaniyang goal na “quadruple axel.”
Aniya . . . “As far as competitions go, as far as their results, I think I have been able to take all the things I wanted to take. I think I have grown in such a way that I don’t seek that kind of evaluation anymore.”
Aminado ito na nasa isip pa rin niya ang quadruple axel, at sinabi niya na pagbubutihin pa niya upang isang araw ay matagumpay niya iyong magawa sa harap ng lahat.
Ayon kay Hanyu . . . “What I want is to remain someone who continues to work hard toward dreams and goals.”
Si Hanyu ay isang national hero sa Japan, nang siya ay maging pinakabata na tumanggap ng prestihiyosong People’s Honour Award noong 2018, at ang kaniyang bawat galaw ay headline news sa kanilang bansa.
Ngunit namalagi siyang malaking palaisipan sa kabila ng napakalaking atensiyong nakukuha, kung saan bihira siyang magpa-interview at walang presensiya sa social media.
Gumugugol ng malaki ang kaniyang fans para mapanood si Hanyu na tinatawag ding “Yuzu” ng kaniyang devoted fans, sa kaniyang mga kompetisyon.
Nagsimula si Hanyu na mag-skating noong bata pa lamang siya sa Sendai, na nasa hilagangsilangan ng Japan. Nang maganap ang malaking lindol at tamaan ng tsunami ang rehiyon noong 2011, si Hanyu ay kasalukuyang nagsasanay sa ice rink at napilitang tumakas suot ang kaniyang skates.
© Agence France-Presse