Tyansa ng pag-iral ng La Niña nababawasan ayon sa weather bureau ng Australia
Sinabi ng weather bureau ng Australia, na ang tyansa ng pag-iral ng La Niña sa mga susunod na buwan ay nabawasan at sinabi na kung sakali mang lumitaw ang nasabing weather phenomenon, magiging mahina lamang ito at sandali lang.
Ang development ng La Niña at ng opposite nitong El Niño, ay napakalaki ng importansiya sa global agriculture, kung saan tipikal na dinaragdagan ng La Niña ang bagsak ng ulan sa eastern Australia, Southeast Asia at India at binabawasan naman ang bagsak ng ulan sa Americas.
Sinabi ng Australian Bureau of Meteorology, “The chance of a La Niña event developing in the coming months has decreased.”
Ayon sa bureau, iminumungkahi ng kanilang in-house climate model na ang La Niña ay hindi madi-develop, at ngayon apat sa anim na iba pang climate models na kanilang sinurvey ang sumasang-ayon.
Ang La Niña at El Niño ay dulot ng paglamig at pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa western South America.
Ayon sa bureau, “If a La Niña were to develop, it is forecast to be relatively weak (in terms of the strength of the sea surface temperature anomaly) and short-lived, with all models forecasting neutral values in February.”
Nabawasan din ang kumpiyansa maging ng iba pang meteorologists na may iiral ngang La Niña.
Noong isang linggo ay sinabi ng isang U.S. government forecaster, na may 60% tyansa ng paglitaw ng isang La Niña sa pagtatapos ng Nobyembre na mananatili hanggang January-March 2025.
Isang buwan bago ito, sinabi ng forecaster na may 71% tyansa na may mabubuong La Niña.