Typhoon Fabian, napanatili ang lakas; Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin sa susunod na 24 oras dahil sa Habagat
Napanatili ng Typhoon Fabian ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-Kanluran, Timog-Kanluran.
Sa 11:00 am forecast ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 525 kilometers Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang hanging aabot sa 150 kph at pagbugso ng hanggang 185 kph.
Inaasahang palalakasin ng bagyo ang Habagat na siyang magdadala ng mga paminsang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, southern Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at northern portion of Palawan kasama ang Calamian and Kalayaan Islands sa susunod na 24 oras.
Nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Batanes at Babuyan islands at malakas na ihip ng hangin ang mararanasan sa susunod na mga oras at maalong karagatan sa mga baybaying sakop ng mga nasabing lugar kabilang ang northern, western, at eastern seaboards ng Luzon.
Habang nakataas naman ang Orange warning alert sa Zambales at Bataan at Yellow warning naman sa Tarlac at Pampanga.
Inaalerto ang mga kinauukulan sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Magiging track ng bagyong Fabian.