U.S. Secretary of State Blinken, bibisita sa Pilipinas ngayong Marso
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibisita sa Pilipinas mula Marso 18 hanggang Marso 19 si U.S. Secretary of State Antony Blinken.
Ito na ang ikalawang pagbisita sa bansa ni Blinken.
Ayon sa DFA, makikipagpulong si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para talakayin ang pagpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Amerika.
Pangunahin sa agenda sa paghaharap ng dalawang opisyal ay ang pagpapalawak sa kooperasyon sa ekonomiya ng Pilipinas at U.S. gaya ng trade and investment.
Walang binanggit ang DFA kung mapag-uusapan ang isyu sa West Philippine Sea o South China Sea.
Pero sinabi ng DFA na matatalakay ang pangkalahatang bilateral cooperation sa konteksto ng regional issues.
Moira Encina