UK pm, inanunsyo ang pagpapatupad ng work from home, vaccine passports dahil sa Omicron variant
Inanunsiyo ni British prime minister Boris Johnson ang muling paghihigpit sa virus restrictions sa England dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron variant.
Kabilang sa ipinatutupad ang ” work from home ” at “Mandatory vaccine passports”.
Sinabi ni Johnson na nadodoble ang naitatalang Omicron cases sa bawat dalawa hanggang tatlong araw kaya marapat lamang na palakasin pa ang ipinatutupad na hakbang laban sa virus surge.
“We must be humble in the face of this virus”, he said, adding that it was “the proportionate and the responsible thing to move to Plan B in England ” – British Prime Minister Boris Johnson.
–Agence France-Presse