UK, unang bansa na nag-apruba sa paggamit ng anti-Covid pill
Ang Britanya ang unang bansa na nag-apruba sa paggamit ng isang anti-Covid pill, matapos nitong payagang gamitin ang antiviral drug ng Merck para sa treatment ng mga pasyenteng nakararanas ng mild hanggang moderate coronavirus.
Ayon kay health minister Sajid Javid . . . “Today is a historic day for our country as the UK is now the first country in the world to approve an antiviral that can be taken at home for Covid-19.”
Dagdag pa niya . . . “This will be a game-changer for the most vulnerable and the immunosuppressed, who will soon be able to receive the ground-breaking treatment.”
Ang antiviral na tinatawag na molnupiravir, ay nagpapababa sa abilidad ng isang virus na magparami na magpapabagal naman sa sakit.
Ayon sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) . . . “Our trials had concluded it was safe and effective at reducing the risk of hospitalisation and death in people with mild to moderate Covid-19 who are at increased risk of developing severe disease.”
Base sa clinical trial data, ang gamot ay pinakamabisa kapag ibinigay habang unang stage pa lamang ng infection at inirerekomenda ng MHRA, na gamitin ito sa loob ng limang araw mula nang lumitaw ang sintomas.
Binigyan na ito ng awtorisasyon na gamitin sa mga taong kahit meron lang isang risk factor na maka-develop ng severe illness, gaya ng obesity, old age, diabetes at heart disease.
Noong October 20 ay inanunsiyo ng Britanya na isa sa mga bansang pinakatinamaan ng pandemya, na umorder na ito ng 480,000 doses ng molnupiravir mula sa US pharma giant na Merck.
Samantala, sinimulan na ng drug regulators sa Estados Unidos at European Union, ang evaluation sa naturang gamot. (AFP)