Ukraine intel chief, walang nakikitang senyales na plano ng China na armasan ang Russia

This photo taken on September 22, 2022, shows head of Ukraine's military intelligence Kyrylo Budanov attending a press conference in Kyiv. - Ukraine's defence minister will be preplaced by the chief of the military intelligence ahead of an expected Russian offensive and following corruption scandals, a senior lawmaker said on February 5, 2023."Kyrylo Budanov will head the defence ministry, which is absolutely logical in wartime," said senior lawmaker David Arakhamia, referring to the 37-year-old chief of the military intelligence. (Photo by Sergei SUPINSKY / AFP)

(FILES) This photo taken on September 22, 2022, shows head of Ukraine’s military intelligence Kyrylo Budanov attending a press conference in Kyiv. (Photo by Sergei SUPINSKY / AFP)

Isinantabi ng pinuno ng military intelligence ng Ukraine ang mga pag-aangkin, na ikinukonsidera ng China na armasan ang Russia at sinabi sa US media na wala siyang nakikitang “senyales na napag-uusapan man lang ang tungkol dito.”

Kamakailan ay sinabi ng senior US officials na “confident” sila na ikinukonsidera ng China na magbigay ng lethal equipment sa Moscow, kung saan isa anilang “diplomatic pressure campaign” ang underway na upang pigilin ito.

Subalit nang tanungin sa isang nalathalang mahabang panayam sa Voice of America tungkol sa posibilidad nito, sinabi ni Ukrainian military intelligence chief Kyrylo Budanov, “I do not share this opinion. As of now, I do not think that China will agree to the transfer of weapons to Russia. I do not see any signs that such things are even being discussed.”

Sa mga unang bahagi ng Pebrero, ay ipinahayag ni US Secretary of State Antony Blinken ang pag-aalala ng Washington tungkol sa potensyal na arms shipments sa isang tensyonadong pakikipagpulong nito sa kaniyang Chinese counterpart, at sinabi ng director ng CIA sa isang panayam na naniniwala siyang tinitimbang pa rin ng Beijing ang posibilidad.

Samantala, nabanggit sa media reports ng maraming American outlets ang hindi tinukoy na US officials na nagsabing pinagpapasyahan pa ng China kung magbibigay ba ng drones at ilang armas sa Russia.

Nang tanungin tungkol sa US assessment sinabi ni Budanov, “I am the head of intelligence and I rely, with all due respect, not on the opinions of individual people, but only on facts. I do not see such facts.”

Tungkol naman sa kung saan pa maaaring makabili ang Russia ng mga armas, sinabi ni Budanov na bukod sa hindi kumpirmadong mga ulat ng shipments galing North Korea, “almost the only country that actually transfers more or less serious weapons is Iran.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *