Ukraine nagbabala tungkol sa radiation matapos maagaw ng Russia ang Chernobyl

A file picture taken on April 13, 2021 shows the giant protective dome built over the sarcophagus covering the destroyed fourth reactor of the Chernobyl Nuclear Power Plant ahead of the upcoming 35th anniversary of the Chernobyl nuclear disaster.AFP / Sergei Supinsky


Nagbabala ang Ukrainian authorities na tumaas ang radiation levels sa Chernobyl exclusion zone mula nang sakupin ito ng Russian troops.

Noong Huwebes ay ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang tropa na sakupin ang Ukraine, at nang araw na iyon ay sinakop din nila ang Chernobyl nuclear power plant sa isa sa pinaka-radioactive na lugar sa mundo.

Sinabi ng Ukrainian authorities na ipinagbigay-alam na nila sa UN International Atomic Energy Agency (IAEA), na wala na sa kanila ang kontrol sa highly radioactive fuel rods mula sa power plant.

Ayon sa environmental protection ministry ng Ukraine . . . “In the terrible hands of the aggressor, this significant amount of plutonium-239 can become a nuclear bomb that will turn thousands of hectares into a dead, lifeless desert. The humanitarian and environmental consequences of such a catastrophe have no borders, they will have terrible consequences for people.”

Gayunman, sinabi ng IAEA na ang radiation levels ay namamalaging mababa at walang banta ng panganib.

Sa isang statement ay binigyang-diin nito . . . “The IAEA assesses that the readings reported by the regulator… are low and remain within the operational range measured in the exclusion zone since it was established, and therefore do not pose any danger to the public.’

Dagdag pa ng IAEA, sinabi na rin ng regulatory authority ng Ukraine na ang pagtaas sa radiation levels “ay maaaring sanhi ng heavy military vehicles na bumulabog sa lupa na kontaminado pa rin ng nangyaring aksidente noong 1986.”

Una nang sinabi ng Ukrainian parliament na may indikasyon sa mga datos mula sa automated radiation monitoring system sa Chernobyl exclusion zone, ng mas mataas na lebel ng radiation kaysa karaniwan.

Ayon sa statement ng parliament . . . “Gamma radiation levels have been exceeded at a significant number of observation points. Due to the occupation and hostilities, it is currently impossible to establish the reasons for the change in the radiation background in the exclusion zone.

Sinabi ni Alexander Grigorash, isang opisyal sa State Nuclear Regulatory Inspectorate of Ukraine, na ang mataas na radiation levels sa Chernobyl Exclusion Zone ay narehistro ng 3:20 am local time (01:20 GMT).

Sabi pa ni Grigorash, na siyang deputy head ng nuclear facilities safety department, na wala na siyang maibibigay na dagdag pang mga detalye dahil ang kaniyang staff ay inilikas mula sa site mula nang kontrolin ng Russian troops ang planta.

Wika naman ni Russian defence ministry spokesman Igor Konashenkov, ang lebel ng radioactivity sa planta ay “normal.”

Ang pagsabog sa ika-apat na nuclear power plant sa Chernobyl noong April 1986, ay naging upang lubhang makontamina ang ilang lugar sa Ukraine at katabing Belarus, na nagbunga ng paglikha ng exclusion zone na halos kasing-sukat ng Luxembourg.

Please follow and like us: