Ukraine, sinimulan na ang pag-export ng kuryente sa EU
Sinabi ni President Volodymyr Zelensky, na sinimulan na ng Ukraine na mag-export ng kuryente sa European Union (EU), habang binawasan naman ng Russia ang kanilang suplay bunsod na rin ng pagsuporta ng EU sa Ukraine.
Ilang mga bansa sa Europa kabilang na ang Italya at Germany, ang umaasa sa Russian gas para sa kanilang pangangailangang pang-enerhiya nguni’t napilitang maghanap ng alternatibo mula nang bawasan ng Russia ang idini-deliver nito.
Ayon kay Zelensky . . . “Ukraine had launched a significant export of electricity to the territory of the EU, via Romania. This is only the first stage. We are preparing to increase supply. A significant part of the Russian gas consumed by Europeans can be replaced. It is not just a question of export revenue for us, it is a question of security for the whole of Europe.”
Ang Ukrainian electricity grid ay ikinabit sa European network sa kalagitnaan ng Marso, na nakatulong para magtuloy-tuloy ang suplay sa kabila ng giyera.
Ayon naman kay European Commission chief Ursula von der Leyen . . . “Ukrainian exports will provide an additional source of electricity for the EU. And much-needed revenues to Ukraine. So we both benefit.”
Mahigpit na sinuportahan ng EU ang Ukraine kasunod ng pagsalakay ng Russia noong Pebrero, kung saan pinatawan nito ang Moscow ng sunud-sunod na sanctions, at binigyan ang Kyiv ng “candidate status,” na paunang hakbang patungo sa pagiging miyembro ng bloc.
© Agence France-Presse