Ukrainian player, hindi nakipagkamay sa Belarusian player makaraang matalo
Namalaging “cool” si Aryna Sabalenka ng Belarus upang manaig sa ‘politically-charged’ French Open laban sa Ukrainian na si Marta Kostyuk, na inulan ng panunuya makaraan niyang tumanggi na makipagkamay sa kalabang Belarusian.
Nakuha ng world number two at Australian Open champion an si Sabalenka, ang 10 sa huling 12 games para manalo sa score na 6-3, 6-2, nang simulan niya ang ikalawang linggo sa Paris sa unang pagkakataon.
Pinanindigan ni Kostyuk ang kanyang pangako na hindi makikipagkamay kay Sabalenka bilang protesta sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine. Ang Belarus ay isang pangunahing kaalyado sa militar ng Moscow.
Sinabi ni Sabalenka na nagpakita ng isang ‘theatrical bow’ sa harap ng crowd sa Court Philippe Cahtrier, “It was a very tough match, tough emotionally. I didn’t know if the booing was against me but thank you so much for your support, it’s really important.”
Matatandaan na ang 20 anyos na si Kostyuk, ay tumanggi ring makipagkamay sa kababayan ni Sabalenka at dating world number one na si Victoria Azarenka, sa US Open noong isang taon. Sa halip ay pinili niya ang isang “cursory touch’ ng mga raket sa net.
Ang 39th-ranked na si Kostyuk ay naging isang maingay na kritiko ng desisyon na payagan ang mga manlalaro ng Russia at Belarusian, na lumahok sa torneyo simula nang lusubin ng Russia ang kanilang bansa.
Sinabi ni Sabalenka, “If she hates me, OK. I can’t do anything about that. About the no shaking, I can kind of understand them. Like I imagine if they’re going to shake hands with Russians and Belarusians, then they’re gonna get so many messages from their home countries. If they feel good with no shaking hands, I’m happy with that.”
Samantala, kabilang din sa naglaro nitong Linggo ang women’s third seed na si Jessica Pegula at eighth-seeded na si Maria Sakkari.