Ukrainians mula sa Poland dinala ng Japan minister lulan ng government plane
Dalawampung Ukrainians ang dumating sa Tokyo ngayong Martes lulan ng isang government plane, kasama si Foreign Minister Yoshimasa Hayashi matapos ang kaniyang biyahe sa Poland.
Ang Japan ay tipikal na tumatanggap ng ilang dosenang refugees bawat taon mula sa libu-libong mga aplikante, at bagama’t binuksan nito ang pintuan para sa Ukrainians, “evacuees” ang tawag nila sa mga ito sa halip na refugees.
Ang 20 Ukrainians ay lumipad kasama ni Hayashi mula sa Poland, kung saan siya ay nasa isang multi-day trip upang mag-alok ng suporta para sa Kyiv.
Ayon sa top government spokesman na si Hirokazu Matsuno . . . “We learned there were several people who sincerely wished to evacuate to Japan, but had difficulty in securing travel means on their own. From a humanitarian point of view, 20 of these people were invited to fly on a government plane.”
Sinabi ni Matsuno, na ang Japan ay tumanggap na ng 404 na iba pang Ukrainians, matapos i-anunsiyo ni Prime Minister Fumio Kishida noong isang buwan ang planong pagtanggap ng mga tumatakas sa giyera.
Nguni’t hindi sila ibibilang na refugees, na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na manatili sa bansa nang hindi bababa sa limang taon bago mag-apply para manatili na doon ng permanente.
Sa halip, ang “evacuees” ay tatanggap ng 90-day visa na maaaring i-convert sa “one-year status with permission to work.”
Ang Japan ay kasama sa pagpapataw ng mahihigpit na sanctions sa Moscow dahil sa pagsalakay nito, at nitong Martes ay nag-anunsyo ng karagdagang $100 milyon sa humanitarian aid para sa Kyiv, kasunod ng isa pang $100 milyon na donasyon sa Ukraine at mga kalapit na bansa na inihayag noong nakaraang buwan.
Noong 2020, ang Japan ay tumanggap lamang ng 47 refugee at 44 na tao sa humanitarian grounds mula sa halos 4,000 aplikante, at matagal nang inakusahan ng mga rights group ang Tokyo na napakaliit ng ginagawa para tulungan ang mga tumatakas na labanan.