Umabot na sa 138 ang natanggap na petisyon ng comelec kaugnay ng October 30 BSKE

Sa datos ng Comelec, ang ibang petisyon ay nais na maideklara ang ilang kandidato bilang nuisance ang iba naman nais magpakansela ng certificate of candidacy at ang iba may gustong ipa-diskwalipika.

May ibang petisyon naman patungkol sa non-compliant sa COC.

Aabot sa halos 1.5 milyon ang naghain ng kandidatura sa comelec para sa BSKE.

Pero ayon sa poll body, hindi pa ito ang pinal na bilang ng mga kandidato.

Bubusisiin pa rin kasing mabuti ng Comelec ang mga isinumiteng COC sa kanila kung ito ay kumpleto, maging kung eligible sila sa pagtakbo sa puwesto.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *