Umano’y panggigipit sa mga retiradong empleyado ng San Juan City, ibinunyag ng isang Senador
Isiniwalat ni Senador JV Ejercito ang umano’y panggigipit sa mga retiradong empleyado ng San Juan City.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Ejercito na nakatanggap siya ng sumbong na may 20 retired employees na hindi pa nababayaran sa kanilang serbisyong inilaan sa San Juan.
Nakaaalarma aniya ang pagharang sa retirement pay ng mga empleyado dahil lamang hindi sila kaalyado ng kasalukuyang nakaupo sa puwesto.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Local Government, sinabi ni Ejercito na hindi dapat kunsintihin ang ganitong sistema.
Nagpaalala si Ejercito na hindi puwedeng ipagkait ng mga local chief executive ang bagay na hindi naman nila pag-aari.
Dapat aniyang na-eenjoy na ng mga retirado ang bagong yugto ng kanilang buhay pero imbes na terminal pay ay hinagpis at sama ng loob ang pinababaon sa mga ito.
Meanne Corvera