Umano’y sindikato sa pagkuha ng pasaporte sa DFA, iniimbestigahan na ayon sa Malacañang
Pinasisilip ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs o DFA ang sinasabing sindikato kaya pahirapan ang pagkuha ng appointment sa pagrerenew at pagkuha ng bagong pasaporte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na sa Malakanyang ang reklamo sa pagrerenew at pag-aaply ng pasaporte sa DFA.
Ayon kay Roque mayroon naring ginawang hakbang ang DFA para matugunan ang problema sa pasaporte tulad ng paglalagay ng Passport on Wheels.
Aminado si Roque na marami ang lumalapit sa kanyang para matulugan sa exoress courtesy lane sa passport renewal at applications lalo ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Batay sa report dahil umano sa operasyon ng sindikato kapalit ng malaking halaga ng salapi kaya pahirapan ang pagkuha ng appointment sa passport renewal at applications.
Inihayag ni Roque na kinasela narin ng DFA ang slot sa mga travel agencies na sinasabing dahilan kaya nauubusan ng appointment para sa mga magrerenew at mag-aaply ng pasaporte.
Ulat ni Vic Somintac