Umatras na senatorial aspirant na si Francis Leo Marcos, pinagpapaliwanag ng SC

Nagpalabas ng show cause order ang Korte Suprema laban sa umatras na senatorial aspirant na si Francis Leo Antonio Marcos dahil sa kawalan ng respeto sa proseso ng hukuman.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, binigyan ng Korte Suprema si Marcos ng tatlong araw para magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng contempt ng SC sa mga naging aksyon nito.

Una nang idineklarang nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec) si Marcos para sa 2025 elections.
Nagpasaklolo naman si Marcos sa SC kung saan pinaboran ang hiling nito na TRO laban sa desisyon ng Comelec noong Enero 21.
Pero kalaunan noong Enero 23 ay binawi ni Marcos sa poll body ang kaniyang kandidatura.
Ayon kay Atty. Camille Ting, “On January 21, 2025, the SC issued a TRO preventing the Commission on Elections from declaring Francis Leo Antonio Marcos (Marcos) a nuisance candidate in the 2025 elections. The SC ordered Marcos to show cause within 72 hours from notice why he should not be cited in contempt for his actions which tend to bring the SC’s processes into disrepute or disrespect.”
Moira Encina-Cruz