UN humanitarian, namatay sa crossfire sa Sudan

This image grab taken from AFPTV video footage on April 20, 2023, shows an aerial view of black smoke rising above the Khartoum International Airport amid ongoing battles between the forces of two rival generals. – Hundreds of people have been killed since the fighting erupted on April 15 between forces loyal to Sudan’s army chief Abdel Fattah al-Burhan and his deputy, Mohamed Hamdan Daglo, who commands the paramilitary Rapid Support Forces (RSF). (Photo by AFP)

Sinabi ng United Nations migration agency, na isang staff member nila ang namatay sa isang crossfire nitong Biyernes sa gitna ng nangyayaring labanan sa southern Sudan.

Ang naturang humanitarian worker na kasama sa International Organization for Migration (IOM), ay ang ika-apat nang UN staff member na namatay simula nang sumiklab ang labanan sa Sudan noong nakaraang Sabado.

Matatandaan na tatlong empleyado ng World Food Programme (WFP) ang namatay din sa North Darfur region ng eastern Sudan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni IOM director general Antonio Vitorino, “It is with a heavy heart that I confirm the death of a dedicated IOM Sudan staff member this morning after the vehicle he was travelling in with his family south of El Obeid was caught in a crossfire between two warring parties. I am deeply saddened by the death of our humanitarian colleague, and join his wife and newborn child, and our team in Sudan in mourning.”

Ayon sa isang tagapagsalita ng IOM, ang 49-anyos na lalaking Sudanese national ay nagmamaneho ng isang pribadong sasakyan nang maipit sa crossfire.


Sinabi ni Vitorino na pangunahin niyang prayoridad ay ang kaligtasan ng staff, at makikipag-ugnayan siya sa iba pang UN agencies upang i-update ang kanilang security response.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) nitong Biyernes, na sa kanilang pagkakaalam, ay 413 katao na ang namamatay at 3,551 naman ang nasaktan simula nang sumiklab ang labanan noong nakalipas na Sabado.

Ang labanan ay sa pagitan ng mga puwersang tapat kay Sudan army chief Abdel Fattah al-Burhan at sa kaniyang deputy, na si Mohamed Hamdan Daglo, commander ng malakas na paramilitary Rapid Support Forces (RSF), na mas karaniwang kilala sa tawag na Hemeti.

Ayon kay Vitorino, “The senseless deaths of civilians including humanitarians, which claimed the lives of three WFP employees in North Darfur on Saturday, must end and peace be restored. The latest outbreak of violence has forced IOM to suspend its humanitarian operations in Sudan. All parties must ensure the safety of humanitarians and allow their unrestricted access to be able to assist those most vulnerable.”

Tinukoy ni Vitorino na tinatayang 3.7 milyong katao na ang na-displace sa loob ng Sudan at bago ang pinakabagong pagsiklab ng karahasan, ay 15.8 milyong katao na o 1/3 ng populasyon ang nangangailangan ng humanitarian aid.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *