UN nais paimbestigahan ang napaulat na maramihang pagpatay sa Afghans na nagma-migrate sa Iran
Nanawagan ang United Nations mission sa Afghanistan para imbestigahan ang mga napaulat na isang malaking grupo ng Afghan migrants ang binaril at napatay sa Afghanistan-Iran border.
Banggit ang mga nakasaksi, sinabi ng Afghan media outlets kasama ang Tolo News, na mahigit 200 Afghan migrants na ilegal na pumasok sa Iran ang inatake sa Iranian territory, at dose-dosena sa mga ito ang namatay at nasaktan.
Itinanggi naman ng Iran ambassador to Afghanistan na si Hassan Kazemi Qomi, ang mga napaulat na pagkamatay ng dose-dosenang illegal nationals.
Batay sa Tolo News, sinabi ng “Iranian human rights organisation” na inatake ng Iranian border guards ang mga migrante.
Hindi naman kinumpirma ng administrasyon ng Afghanistan na pinatatakbo ng Taliban ang insidente, at sinabing iniimbestigahan na nila ito.
Sa isang pahayag na inilabas ng United Nations Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA), ay nakasaad ang malabis na pag-aalala sa nakababahalang mga ulat ng isang insidente noong October 14-15 sa Sistan province, Sarbaz district, Kala Gan border area ng Iran, ng umano’y isang malaking grupo ng Afghan migrants na pinaputukan, at nagresulta upang may mga mamatay at masaktan.
Hindi naman dito tinukoy kung sino ang maaaring nagsagawa ng umano’y pag-atake.
Nanawagan ang UNAMA para sa isang “thorough and transparent” investigation sa pangyayari, at binigyang-diin na ang karapatan ng migrants, refugees at asylum-seekers ay protektado ng international law.
Sinbai ni government deputy spokesman Hamdullah Fitrat, “Afghanistan authorities have been unable to confirm the incident because it happened “beyond” Afghanistan’s borders.”
Aniya, “A high-ranking delegation with officials from the interior, foreign and defence ministries had begun an investigation and would submit a report once the facts were clear.”
Libu-libong Afghans ang tumakas palabas ng kanilang bansa noong 2021 nang agawin ng Taliban ang kapangyarihan, makaraang lisanin ng U.S.-led Western forces ang bansa.
Ang Iran at Pakistan ay kapwa tahanan ng milyun-milyong Afghan migrants.