UN Security Council, magsasagawa ng emergency meeting tungkol sa Myanmar

Soldiers stand guard on a blockaded road to Myanmar’s parliament in Naypyidaw on February 1, 2021, after the military detained the country’s de facto leader Aung San Suu Kyi and the country’s president in a coup. (Photo by STR / AFP)

UNITED NATIONS (AFP) — Magsasagawa ng emergency meeting ang United Nations Security Council (UNSC) ngayong Martes, February 2, kaugnay ng sitwasyon sa Myanmar kasunod ng kudeta ng militar.

Ang pagpupulong na gagawin sa pamamagitan ng videoconference, at “behind closed doors,” ay inaprubahan ng mga miembro ng konseho nitong Lunes.

Inaasahang magbibigay ng briefing tungkol sa latest developments, si UN special envoy for Myanmar, Swiss diplomat Christine Schraner Burgener.

Kahapon ay nagsagawa ng kudeta ang militar sa Myanmar, at idinitine ang elected leader na si Aung San Suu Kyi at iba pang top politicians, na ikinaalarma ng maraming mga bansa sa buong mundo.

Matagal nang plano ng Britanya, may hawak sa rotating Council presidency para sa buwan ng Pebrero, na magsagawa ng pagpupulong tungkol sa Myanmar sa linggong ito, ngunit inilipat ito ng petsa dahil sa mga pangyayari.

Sinabi ni Myanmar UN envoy Barbara Woodward, na umaasa siyang magkakaroon ng “constructive a discussion” at ikokonsidera ang mga hakbang na rerespeto sa kagustuhan ng mga mamamayan na kanilang idinaan sa pamamagitan ng boto at mapalaya ang civil society leaders.

Ang National League for Democracy (NLD) party ni Suu Kyi ay nagtamo ng landslide victory noong November Elections, subalit iginigiit ng militar na ang naturang halalan ay puno ng dayaan.

Una nang ipinahayag ni UN Spokesman Stephanie Dujarric sa kaniyang daily press conference na ang mahalaga ay magkaisa ang international community.

Liza Flores


Please follow and like us: