UN Special Rapporteur makikipag-pulong kay Justice Sec. Crispin Remulla
Nakatakdang bumisita sa Department of Justice (DOJ) sa Disyembre 8, Huwebes si United Nations Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children Mama Fatima Singhateh.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na pumayag si Singhateh sa imbitasyon ng kagawaran.
Makikipag-pulong ang special rapporteur kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Aniya, layunin ng pagpupulong na sagutin ni Remulla ang anumang katanungan ni Singhateh.
Ipapahayag din aniya ng kalihim ang lagay ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa at ang papel ng nasyonal na pamahalaan para mapigilan ang nasabing krimen.
Naniniwala si Clavano na ang pagbisita sa bansa ng special rapporteur ay makatutulong para mapalakas ang giyera ng gobyerno laban sa OSAEC.
Moira Encina