Unang araw ng 2022 Bar Exams naging maayos –SC
Mahigit 9,200 bar candidates ang nakakumpleto sa unang araw ng 2022 Bar Examinations.
Sa tala ng Korte Suprema, mula sa mahigit 10,000 approved applicants ay kabuuang 9,207 examinees ang kumuha at nakakumpleto sa parehong morning at afternoon examination sa unang araw ng bar exams.
Katumbas ito ng 92.01% turnout ng examinees.
Sinabi ni 2022 Bar Exams Chair at Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na naging maayos ang itinakbo ng first day ng eksaminasyon.
Umaasa ang mahistrado na ganito rin ang magiging resulta sa nalalabing bar exams days sa November 13, 16, at 20.
Sinubaybayan ni Caguioa ang ikalawang computerized at regionalized bar exams mula sa command center sa Metro Manila.
Ininspeksyon din ni Caguioa at ng mga mahistrado ng Supreme Court ang ilang testing sites gaya ng Ateneo De Manila University, De La Salle University, at San Beda University.
Moira Encina