Unang araw ng pamamahagi ng ayuda sa NCR, naging maayos – DILG
Naging maayos sa pangkalahatan ang unang araw ng pamamahagi ng financial assistance sa Metro Manila.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na walang naiulat na untoward incident at wala ring naiulat na lumabag sa mga health protocol.
Umaasa si Año na ganito ring kaayos ang magiging sistema hanggang sa huling araw ng pamamahagi ng ayuda.
Hiningi din ng kalihim ang kooperasyon ng mamamayan upang matapos ang 15 days deadline na SAP distribution.
Halos nasa 11 bilyong piso ang ipinalabas ng gobyerno bilang ayuda sa mga residente ng NCR na naapektuhan ng pagpapatupad ng ECQ.
Nasa 1,000 piso ang matatanggap ng kada kuwalipikadong benepisyaryo habang nasa 4,000 piso naman kada pamilya.