Unang colored-coins ng BSP na tampok sa paggunita ng 125th Independence Day, inilunsad ni PBBM
Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kauna-unahang colored coins na tampok sa ika-125th anniversary ng Philippine Independence and nationhood (APIN) Commemorative Coin Set.
Sa unveiling program na isinagawa sa Ceremonial Hall sa Malacañang, pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang BSP para sa matagumpay na minting ng nasabing colored coins.
“The establishment of a formal currency by any country is part of the definition of being a sovereign nation… We are using the most modern technology, which also signifies that the Philippines is at that stage in its development where we are at the forefront and will use the best technologies, the best techniques that are good and new for our country,” mensahe ng pangulo sa kaniyang talumpati.
Photo courtesy of RTVM
Inilarawan din ng Pangulo ang minted coins bilang patunay sa labor of love ng BSP.
“It also reminds us how far we have come and the significance of what we have achieved in 125 years,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla, chairman din ng Monetary Board, na ginamit sa minting ng colored, non-circulation commemorative coins na gawa ng BSP ang makabagong digital printing technology.
Kasama si BSP-issued coin set ang 100-piso, 20-piso at 5-piso denominations bilang paggunita sa 1898 Declaration ng Philippine Independence, ang kapanganakan ng Unang Republika ng bansa sa Barasoain Church, at ang katapangan ng mga Filipino na nakipaglaban sa Philippine-American War.
Batay sa Administrative Order no.. 8, series 2023 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, tema ng 125th Independence Day ngayong taon ang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”
Layon nitong ituon ang pagdiriwang sa kalayaan na ipinaglaban ng mga bayani at kinabukasang nakikita nila para sa bansa, gayundin ang kasaysayang nais na gunitain at bigyang pugay.
Ia-anunsyo naman ng BSP sa social media channels nito kung kailan maaaring mabili ang APIN coin set.
Weng dela Fuente