Unang COVID-19 shot para sa mga batang edad 5 pataas, inaprubahan na ng EU
Inaprubahan na nitong Huwebes ng drug regulator ng European Union (EU), ang Pfizer Covid-19 vaccine para gamitin sa mga batang 5-11 taong gulang. Ang kauna-unahang bakuna na inawtorisahan sa lugar kung saan mabilis ang pagkalat ng virus.
Iilang bansa pa lamang ang una nang nagpahintulot para bakunahan ng anti- Covid vaccines ang mga kabataan, kabilang dito ang Estados Unidos, Israel at Canada.
Ang hakbang ay nagbigay daan para sa EU na may 27 miyembrong bansa, na palawakin ang kanilang vaccination campaign ngayong tumataas na naman ang bilang ng mga kaso. Ang Pfizer ay kasalukuyang awtorisadong gamitin para sa mga 12 anyos pataas.
Ayon kay Marco Cavaleri, pinuno ng vaccine strategy sa European Medicines Agency (Ema) . . . “I’m glad to tell you that Comirnaty from today has received approval for children five to 11 years of age. Essentially, it’s a much lower dose.”
Ang mga bata na nasa bagong age bracket ay bibigyan ng one third ng dose na ibinibigay sa matatanda, o 10 microgrammes kumpara sa 30 microgrammes para sa adults at ito ay dalawang beses ding ibibigay na tatlong linggo ang pagitan.
Kailangan na lamang lagdaan ng European Commission ang approval, upang makapagdesisyon na ang EU member states kung babakunahan ba nila ang mga bata.
Ayon kay EU Health Commissioner Stella Kyriakides . . . “EMA is clear the BioNTech/Pfizer vaccine is safe and effective for young children, and can offer them additional protection.”
Sinabi naman ni French Health Minister Olivier Veran, na hiniling niya sa national health regulators na suriin ang isyu bago magdesisyon sa pagbabakuna sa mga bata.
Aniya . . . “This vaccination, if it is decided on in France, will not start before the beginning of 2022.”
Sinabi ng health authorities, na mga kabataan ang bumubuo sa tumataas na bahagi ng mga bagong kaso at mga nao-ospital sa Europe na muli na namang naging sentro ng pandemya.
Ang mga bata rin a g ikinukonsiderang pangunahing sanhi ng impeksiyon, kapag ila mismo ay hindi nagpapakita ng mga sintomas.
Ayon sa EMA, ang bakuna ay 90.7 percent na epektibo sa isang pag-aaral ng halos dalawang mga bata na nasa nabanggit na age group.
Ang side effects ay kalimitang “mild or moderate” na tumatagal ng ilang araw lamang, gaya ng pananakit sa bahaging tinurukan, pagkapagod, sakit ng ulo, sakit ng kasu-kasuan at giniginaw.
Dahil dito, ang naging konklusyon ng EMA, ang benepisyo ng Comirnaty sa mga batang edad 5-11 ay mas matimbang kaysa panganib, partikular na para sa mga may kondisyon na nagpapataas sa panganib ng malubhang Covid-19.
Subali’t ang kaligtasan ng bakuna ng Pfizer na ituturok sa mga bata ay patuloy na mahigpit na babantayan.
Ayon kay Cavaleri . . . “We know that severe Covid-19 and death remain quite rare in children, however disease of all severity occurs in all the paediatric ages.”
Dagdag pa niya, ang mga kabataan ay nanganganib din na magkaroon ng tinatawag na “long Covid” symptoms na tumatagal ng kung ilang buwan matapos silang magkasakit, at multisystem inflammatory syndrome.
Samantala, bukod ding nirerepaso ng EMA ang coronavirus vaccine ng Moderna para sa 6-11 year olds, at inaasahang mapagdedesisyunan na ito sa Enero.
Sa ngayon ay apat na bakuna na ang imaprubahan ng regulator para gamitin sa adults sa EU: ang Pfizer at Moderna na gumagamit ng messenger RNA technology, at ang AstraZeneca at Johnson & Johnson, na gumagamit naman ng viral vector technology. (AFP)