Unang Covid deaths mula nang magsimula ang lockdown iniulat ng Shanghai
Inihayag ng city government na iniulat ng Shanghai ang unang pagkamatay dahil sa Covid, mula nang magsimula ang kanilang weeks-long lockdown. Ito ay tatlong nakatatanda na pawang may underlying conditions.
Ayon sa social media ng city government . . . “The three people deteriorated into severe cases after going into hospital, and died after all efforts to revive them proved ineffective.’
Ang mga namatay ay kinabibilangan ng dalawang babae edad 89 at 91, at isang lalaking 91-anyos, na may iba’t-ibang underlying health complaints gaya ng coronary heart disease, diabetes at high blood pressure.
Ang Shanghai, na pinakamalaking lungsod ng China, ay sumailalim sa isang tagpi-tagping mga paghihigpit sa lockdown ngayong taon sa gitna ng pinakamalalang outbreak ng Covid-19 sa bansa, mula nang magsimula ang pandemya.
Ang eastern business hub ay nakapagtala ng 22,248 bagong domestic cases ngayong Lunes, kung saan 2,417 ay symptomatic, ayon sa municipal health commission.
Sa China, kung saan unang na-detect ang coronavirus sa huling bahagi ng 2019, ay lubhang malaki ang ibinagal ng pagsulpot ng mga kaso dahil sa kanilang zero-Covid policy na kinapapalooban ng mass testing, travel restrictions at targeted lockdowns.
Nguni’t kamakailan ay nahirapan ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo, na pigilan ang mga outbreak sa maraming rehiyon, na ang malaking bahagi ay sanhi ng mabilis makahawang Omicron variant.
Ang bansa ay huling nag-ulat ng bagong Covid deaths noong March 19, at ito ay ang dalawa katao mula sa northeastern rust belt province ng Jilin — ang unang kaso ng pagkamatay sa loob ng higit isang taon.