Unang European cruise ship, dumating na sa Venezuela makalipas ang 15 taon
Dumating na sa Venezuela ang unang European cruise ship sa loob ng 15 taon, makaraang iwasan ng mga turista ang nasabing bansa dahil sa mataas na lebel ng insecurity at economic turmoil.
Ang Bahamas-flagged “Amadea” ay dumaong sa Caribbean island ng Margarita na may halos 500 mga pasahero na karamihan ay nagmula sa Spain, France, Germany, Italy at Switzerland.
Sinabi ni Tourism Minister Ali Padron, “For many years Venezuela was off the radar of cruise ships.’
Ang exchange controls, kakulangan ng mga produkto at hindi maaasahang mga pangunahing serbisyo gaya ng tubig at kuryente, ang sanhi upang sa mahabang panahon ay walang nagtutungong mga dayuhang turista, dahilan para mapilitan ang travel agencies na isara ang kanilang mga negosyo.
Sinabi ni Conseturismo tourism council vice-president Reinaldo Pulido, “Venezuela became a very insecure, high-risk destination.”
Ngunit pagkatapos ng mga taon ng hyperinflation at pagbagsak ng currency na nagsadlak sa mga Venezuelan sa kahirapan at nagtulak sa milyun-milyon na umalis sa bansa, ang nasirang ekonomiya at sektor ng turismo ay nagpakita kamakailan ng bahagyang palatandaan ng pagbangon.
Ang de facto dollarization ng ekonomiya at pagpapagaan ng mga kontrol sa presyo ay nagpalakas ng mga pag-aangkat o imports, na nagresulta sa mas maraming iba’t ibang mga produkto at pagbubukas ng mga bagong tindahan.
Simula noong isang taon, ang Venezuela ay tumanggap ng mga turista mula sa Russia, na hindi naman welcome sa maraming iba pang mga bansa simula nang mag-umpisa ang giyera sa Ukraine.
Para kay Conseturismo president Leudo Gonzalez, ang pagdating ng Amadea ay “nagbukas ng posibilidad ng Venezuela na bumalik sa radar ng mga pangunahing cruise lines.”
Aniya, “Any initiative that brings new international tourists is a gain. For us it is wonderful, a celebration.”
© Agence France-Presse