Unang high-speed rail sa Southeast Asia, inilunsad ng Indonesia
Inilunsad ng Indonesia nitong Lunes ang unang high-speed railway sa Southeast Asia.
Pinuri ni Indonesia President Joko Widodo bilang “symbol of our modernisation,” ito ay isang naantalang, multi-bilyong dolyar na proyekto na suportado ng China.
May bilis na 350 kilometro (220 milya) bawat oras, ang bullet train na “Whoosh” ay kayang bumiyahe sa kapitolyo na Jakarta at Bandung sa loob ng 45-minuto.
Ang 140 km paglalakbay ay dating inaabot ng nasa tatlong oras sa tren.
Ayon kay Widodo, “The Jakarta-Bandung high-speed train marks our efficient, friendly, and integrated mass transportation system. It is a symbol of our modernisation in the public transport, seamlessly connecting with other modes of transportation.”
Aniya, ang tren na mayroong 600 kapasidad ang unang high-speed rail transportation sa Southeast Asia.
Widodo said the 600-capacity train was the first high-speed rail transportation in Southeast Asia / Yasuyoshi CHIBA / AFP
Bahagi ito ng Belt and Road initiative ng Beijing, na isang dekada nang tanda na programa ng mga proyektong pang-imprastraktura na suportado ng China.
Sinabi ng pangulo na ang pangalan ng bullet train ay isang acronym, para sa tagline na “Waktu Hemat, Operasi Optimal, Sistem Handal,” na ang ibig sabihin sa Bahasa Indonesia ay “Saving time, optimal operation, reliable system”.
Itinayo ito ng PT KCIC, na binubuo ng apat na Indonesian state companies at ng China Railway International Co. ng Beijing.
Ang proyekto ay unang itinakda na magkakahalaga ng hindi aabot sa $5 billion at makukumpleto sa 2019.
Gayunman, naantala ito dahil sa construction challenges at ang Covid-19 pandemic naman ay nagresulta sa pagtaas ng gugulin nito.
The project was initially set to cost less than $5 billion and be completed by 2019 / BAY ISMOYO / AFP
Bilang paghahanda sa pagbubukas, nagsagawa ang mga opisyal ng public trials para sa bagong high-speed route.
Nitong nakalipas na linggo, kinumpirma ni Transportation Minister Budi Karya Sumadi na palalawakin ng gobyerno ang ruta ng high-speed train mula Bandung hanggang sa ikalawang pinakamalaking siyudad ng bansa, ang Surabaya.
Noong isang buwan, sinamahan ni Chinese Premier Li Qiang si Senior Minister Luhut Pandjaitan sa pagsakay sa tren nang siya ay bumisita sa Jakarta para dumalo sa Southeast Asian summit.
Sinabi ni Pandjaitan sa mga mamamahayag na plano ni Widodo sa hinaharap na imbitahan si Chinese President Xi Jinping para sumakay sa tren, subalit hindi na nagbigay ng iba pang mga detalye.