Unang homegrown passenger jet ng China, nagsagawa na ng unang commercial flight
Nagsagawa na ng kaniyang unang commercial flight ang unang pampasaherong jet na gawa ng China, isang milestone event sa ilang dekada nang pagsisikap ng bansa na makipagkumpetensiya sa mga Kanluraning karibal sa himpapawid.
Umaasa ang Beijing na magiging hamon ang C919 commercial jetliner sa mga dayuhang modelo tulad ng Boeing 737 MAX at Airbus A320, kahit na marami sa mga bahagi nito ay galing sa ibang bansa.
Ang kauna-unahang homegrown jetliner nito na may mass commercial potential, ay makababawas din na umasa ang bansa sa mga dayuhang teknolohiya habang patuloy na nasisira ang relasyon nito sa Kanluran.
Sinabi ng state broadcaster na CCTV, “In the future, most passengers will be able to choose to travel by large, domestically produced aircraft.”
Ang China Eastern Airlines flight MU9191 na galing Shanghai ay “maayos na nakarating” sa Beijing, humigit-kumulang 40 minutong mas maaga kaysa sa itinakda.
Makikita sa footage ang mga pasaherong papalabas ng eroplano at papasok sa terminal, bago nagpakuha ng larawan ang ilang dosenang staff at mga opisyal sa isang maikling seremonya sa tarmac.
Ipinalabas ng CCTV ang footage ng eroplano habang pumapailanlang sa ere sa ibabaw ng Shanghai Hongqiao Airport, at sinabing may lulan itong 130 mga pasahero.
Ang China ay namuhunan nang malaki sa produksyon ng homegrown jet, sa layuning maging self-sufficient sa mga pangunahing teknolohiya.
Ang aircraft ay ginawa ng Commercial Aircraft Corporation of China (COMAC) na pag-aari ng estado, ngunit marami sa mga bahagi nito kasama ang mga makina, ay galing sa ibang bansa.
Sinabi ni Zhang Xiaoguang, director of marketing and sales ng COMAC, “the flight was a ‘coming-of-age ceremony (for) the new aircraft.’ and ‘C919 will get better’ if it stands the test of the market.”
Simula ngayong Lunes, ang C919 ay mag-ooperate sa regular route ng Eastern China sa pagitan ng Shanghai at ng southwestern city ng Chengdu, ayon sa ulat ng CCTV.
Ang unang modelo ng narrow-body jet ay pormal na ipinasa sa China noong nakaraang taon sa isang seremonya sa isang paliparan sa Shanghai, na pinarangalan ng state media bilang “isang mahalagang milestone” para sa industriya ng sasakyang panghimpapawid ng bansa.
Sinabi ni Zhang Yujin, deputy general manager ng COMAC sa state-backed Shanghai outlet na The Paper noong Enero, na ang kompanya ay umorder ng humigit-kumulang 1,200 C919.
Ayon kay Zhang, plano ng COMAC na dagdagan ang kanilang taunang produksiyon ng 150 modelo sa loob ng limang taon.
Ang Asya at Tsina ay partikular na mga pangunahing target para sa European manufacturer na Airbus at ng American rival nito na Boeing, na naghahangad na makinabang sa lumalaking demand para sa air travel mula sa malawak na middle class ng bansa.
Noong isang buwan ay inihayag ng Airbus, na dodoblehin nila ang kanilang production capacity sa China, kung saan lumagda ito ng kasunduan upang magtayo ng ikalawang final assembly line para sa A320 sa Tianjin.
Ang unang assembly site sa northern city ay binuksan noong 2008 at nakapag-produce ito ng apat na A320s kada buwan, kung saan umaasa ang Airbus na madaragdagan ito ng anim kada buwan bago matapos ang taon.