Unang kaso ng Marburg virus, natukoy sa West Africa
GENEVA, Switzerland (AFP) – Kinumpirma ng Guinea ang isang kaso ng Marburg disease.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ito ang unang naitala sa West Africa ng nakamamatay na virus na may kaugnayan sa Ebola, at gaya ng COVID-19, ay naipapasa sa tao mula sa hayop.
Ang virus, na ang carrier ay paniki at may fatality rate na hanggang 88%, ay nakita sa samples na kinuha mula sa isang pasyente na namatay noong August 2 sa southern Gueckedou prefecture.
Sinabi ni WHO Regional Director for Africa Dr. Matshidiso Moeti . . . “The potential for the Marburg virus to spread far and wide means we need to stop it in its tracks.”
Ang pagkakadiskubre ay nangyari dalawang buwan lamang matapos ideklara ng WHO, na natapos na ang 2nd outbreak ng Ebola sa Guinea na nagsimula noong 2019 at ikinamatay ng 12 katao.
Ayon sa WHO, pinaigting na ang cross-border surveillance, upang agad na matukoy ang posibleng mga kaso.
Ayon kay Moeti . . . “We are working with the healrh authorities to implement a swift response that builds on Guinea’s past experience and expertise in managing Ebola, which is transmitted in a similar way.”
Ang kaso ay natukoy sa isang village sa magubat na rehiyong malapit sa borders ng Sierra Leone at Liberia.
Ayon sa WHO, ang sintomas ng pasyente ay lumitaw noon pang July 25 at matapos na unang gamutin sa isang lokal na klinika at sinuri para sa Malaria, ang pasyente ay namatay.
Nagnegatibo sa Ebola ang post-mortem samples, ngunit nagpositibo sa Marburg.
Agence France-Presse