Unang kaso ng monkeypox kinumpirma ng Brazil
Inanunsiyo ng health ministry na kinumpirma na ng Brazil ang una nilang kaso ng monkeypox, sa isang 41-anyos na lalaki na bumiyahe sa Europe.
Ang monkeypox ay isang bihirang sakit na endemic o katutubo sa western at central Africa. May kaugnayan ito pero hindi masyadong malala sa smallpox o bulutong, na nagdudulot ng rash na kumakalat, lagnat, panginginig, at pananakit ng katawan, bukod sa iba pang mga sintomas.
Ang World Health Organization (WHO) ay nakapagtala na ng halos 1,000 mga kaso ng monkeypox sa 29 na mga bansa kung saan hindi siya endemic. Karamihan sa mga kaso ay na-detect sa Britainya, Canada, Germany, Portugal at Espanya.
Ang unang Brazilian na na-infect ay bumiyahe kapwa sa Espanya at Portugal, ayon sa health ministry. Naospital ito para gamutin at nasa mabuti nang kondisyon, habang mahigpit namang binabantayan ang mga naging close contact niya.
Ang Brazil ang ikatlong Latin American country na nakapagrehistro ng monkeypox cases pagkatapos ng Argentina at Mexico.
Hanggang ngayon ayon sa WHO, ay wala pang napapaulat na namatay sa mga bansang ang monkeypox ay hindi endemic.
© Agence France-Presse