Unang kaso ng swine flu strain H1N2 sa tao kinumpirma ng UK
Kinumpirma ng UK public health officials, ang unang kaso ng isang swine flu strain sa tao na katulad ng kumakalat sa mga baboy.
Ang variant ng H1N2 virus ay nakumpirma sa isang indibidwal na sinuri ng kanilang doktor, makaraang makaranas ng respiratory symptoms.
Sinabi ng UK Health Security Agency (UKHSA), na hindi pa ito na-detect noon sa mga tao sa kanilang bansa.
Ayon sa incident director ng ahensya na si Meera Chand, “This is the first time we have detected this virus in humans in the UK, though it is very similar to viruses that have been detected in pigs. We are working rapidly to trace close contacts and reduce any potential spread.”
Ang tinutukoy na indibidwal ay nakaranas ng “mild illness” at ganap nang nakarekober batay sa pahayag ng ahensya.
Gayunman, ang pinagmulan ng impeksiyon ay hindi pa batid at iniimbestigahan na.
Sinabi ni UKHSA chief veterinary officer Christine Middlemiss, na magbibigay sila ng beterinaryo at siyentipikong kaalaman upang suportahan ang imbestigasyon.
Ang mga virus ng Influenza A(H1) ay endemic sa populasyon ng baboy sa karamihan ng mga rehiyon ng mundo.
Ang H1N1, H1N2 at H3N2 viruses ang pangunahing subtypes ng swine influenza A viruses sa mga baboy.
Paminsan-minsan ay dumadapo ito sa mga tao, kalimitan ay pagkatapos ng direkta o hindi direktang pagkakalantad sa mga baboy o kontaminadong kapaligiran.
Ang H1N1 pandemic noong 2009 ang unang major influenza outbreak sa 21st century.
Ang opisyal na bilang ng namatay na 18,500 kalaunan ay dinagdagan ng The Lancet medical journal sa pagitan ng 151,700 at 575,400.