Unang kaso ng XBB.1.16 naitala sa bansa – DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.16 sa Pilipinas.
Ang XBB.1.16 na tinatawag ding “Arcturus” ang pangunahing dahilan sa panibagong pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.
Batay sa latest biosurveillance report ng DOH, na-detect ang unang kaso ng XBB.1.16 sa Western Visayas.
Ang “Arcturus” ay sinasabing descendent lineage ng XBB, a recombinant ng dalawang BA/2 descendent lineage.
Kinlasipika noong nakaraang linggo ng World Health Organizations (WHO) ang XBB.1.16 bilang variant of interest (VOI) dahil sa patuloy na increased prevalence.
Iniulat ang presensya ng XBB.1.16 sa 33 bansa at karamihan ng kaso ay naitala sa India.
“The variant was initially flagged due to its increasing global prevalence and for having mutations which may lead to increase in infectivity or pathogenicity,” ayon sa DOH report.
“However, currently available evidence for XBB.1.16 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant,” dagdag pa ng DOH.
Sinabi ng WHO na mababa ang global risk assessment para sa XBB1.16 kumpara sa XBB.1.5 at iba pang kasalukuyang variants na nasa sirkulasyon.
Pero dagdag ng WHO posibleng ang XBB.1.16 ay maging dominant sa ilang bansa at maaaring magresulta sa mas mataas na case incidence dahil sa growth advantage at immune escape characteristics ng nasabing subvariant.
Weng dela Fuente