Unang mRNA Vaccine Facility, itatayo sa Southern hemisphere

(Photo by CLAUDIO REYES / AFP)

Inanunsiyo nitong Lunes ng COVID-19 maker Moderna, na magbubukas sila ng isang mRNA Vaccine manufacturing facility sa Australian city ng Melbourne, kauna-unahan sa southern hemisphere.

Ang magiging base ng proyekto ay ang isa sa pinakamalaking unibersidad ng Australia, ang Monash, kung saan gagawin ang 100 milyong bakuna kada taon para sa COVID-19, influenza at iba pang mga sakit.

Ang Spikevax ng Moderna ay isa sa mga bagong klase ng bakuna na binuo sa panahon ng coronavirus pandemic, na gumagamit ng cutting-edge technology na tinatawag na messenger RNA (mRNA).

Ang konstruksiyon sa mRNA manufacturing facility ay nakatakdang simulan ngayong taon at tatapusin sa 2024, at pagkatapos nito ay agad na ring sisimulan ang produksiyon ng mga bakuna.

Sinabi ni Australian Prime Minister Anthony Albanese, na ang hakbang ay “pagpapakita ng tiwala” ng vaccine giant na Moderna sa Australia.

Aniya , “For Australia, the facility is not only about health or science, but ‘also about national security’ after the country experienced serious vaccine shortages during the pandemic.”

Ang Melbourne, na magiging base ng Moderna facility ay naharap sa isa pinakamahabang lockdowns sa buong mundo, nang panahong tinatangka ng mga awtoridad na pigilan ang pagkalat ng virus.
Sinabi pa ni Albanese, “In this part of the world, in the fastest-growing region in the world in human history, we have an opportunity to project that capacity into the Indo-Pacific as well.”

Sa mga nakalipas na buwan, ang mga kaso ng COVID-19 sa Australia ay tumaas matapos luwagan ang mga restriksiyon. Ang virus ang naging ikatlong pinaka karaniwang sanhi ng kamatayan ngayong 2022.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: