Unang spy satellite ng North Korea, ininspeksiyon ng lider nito
This picture taken on May 16, 2023 and released by North Korea’s official Korean Central News Agency (KCNA) on May 17, 2023 shows North Korean leader Kim Jong Un (C) and his daughter, presumed to be named Ju Ae (back), meeting with the Non-permanent Satellite Launch Preparatory Committee and inspecting a military reconnaissance satellite, at an undisclosed location in North Korea. Kim Jong Un has inspected North Korea’s first military spy satellite and gave the go-ahead for its “future action plan,” state media said on May 17. (Photo by KCNA VIA KNS / AFP)
Ininspeksiyon ni North Korean leader Kim Jong Un ang una nilang military spy satellite, at nagbigay ng go signal para sa kanilang “future action plan.”
Ayon sa ulat ng state media na Korean Central News Agency (KCNA, si Kim ay nakipagkita sa Non-permanent Satellite Launch Preparatory Committee, bago sinilip ang satellite.
Isang buwan na ang nakalipas nang sabihin ni Kim na ang konstruksiyon ng satellite ay kumpleto na at nagbigay na siya ng green light para sa launching nito.
Ang nasabing report noong Abril 18 ay nangyari mga isang linggo matapos ilunsad ng Pyongyang ang sinabi nitong isang bagong solid-fuel intercontinental ballistic missile, na tanda ng isang malaking tagumpay sa weapons programs nito.
Sinabi ng mga analyst na mayroong makabuluhang technological overlap sa pagitan ng pagbuo ng mga ICBM at mga kakayahan sa space launch.
Ayon sa KCNA, “after acquainting himself in detail with the work of the committee, (Kim) inspected the military reconnaissance satellite No. 1, which is ready for loading after undergoing the final general assembly check and space environment test.”
Inakusahan ni Kim ang Estados Unidos at South Korea ng pagpapalaki ng tinatawag niyang “confrontational moves” laban sa North, at sinabing gagamitin ng kanyang bansa ang karapatan nito sa pagtatanggol sa sarili. Pagkatapos ay inaprubahan na ni Kim ang future action plan para sa preparatory committee.
Ang pagbuo ng isang military reconnaissance satellite ay isa sa mga pangunahing proyekto ng pagtatanggol na binalangkas ni Kim noong 2021.
Noong Disyembre 2022, sinabi ng North Korea na nagsagawa ito ng isang “mahalagang pagsubok sa huling yugto” para sa pagbuo ng isang spy satellite, na sinabi nitong matatapos sa Abril ngayong taon.
Noong panahong iyon, mabilis na nag-alinlangan ang mga eksperto sa South Korea tungkol sa mga resulta, na nagsasabing ang kalidad ng black-and-white images na inilabas ng North Korea — na sinasabing kinuha mula sa isang satellite — ay hindi maganda.
Ang Pyongyang ay hindi nagbigay ng petsa ng paglulunsad, bagaman noong nakaraang buwan ay sinabi ni Kim na papakawalan ang satellite “sa nakaplanong petsa.”
Noong nakaraang taon ay idineklara ng North Korea ang sarili bilang isang “irreversible” nuclear power, na epektibong tumapos sa posibilidad ng mga pag-uusap tungkol sa denuclearization.
Sinabi ng mga analyst, na mahihirapan ang Pyongyang na gumawa ng satellite reconnaissance gamit ang sarili nitong teknolohiya at walang tulong na high tech mula sa Russia o China.
Gayunman, sinabi ni Yang Moo-jin, pangulo ng University of North Korean Studies sa Seoul, “since North Korea’s reconnaissance satellites are an important factor in the event of a nuclear pre-emptive strike, they pose a significant threat to the South.”
Pinalakas ng Washington at Seoul ang kooperasyon sa depensa bilang tugon, nagsagawa ng magkasanib na pagsasanay militar na may mga advanced na stealth jet at high-profile na mga estratehikong asset ng US.
Itinuturing naman ng North Korea ang mga nasabing exercise, bilang pagsasanay para sa “frantic drills” o “simulation ng isang all-out war” laban sa Pyongyang.