Underground search para sa na-trap na mga minero, pinaghahandaan na ng Mexico
Sinabi ng Mexican authorities, na sa wakas ay nasa posisyon na sila upang simulan ang underground search sa isang minahan ng karbon na binaha kung saan 10 manggagawa ang mahigit isang linggo nang na-trap.
Ilang daang rescuer, kabilang ang mga sundalo at military scuba diver, ang nakikibahagi sa mga pagsisikap na iligtas ang mga minerong nawawala mula pa noong Agosto 3 sa hilagang estado ng Coahuila.
Sinabi ng civil defense national coordinator na si Laura Velazquez, “We have all the conditions to go down there… to search for and rescue.”
Aniya, “A specialist military team had made several more descents into one of the vertical shafts of El Pinabete mine to remove wood and other debris blocking their way. But they had not yet reached the floor of the 60-meter (200-foot) deep shaft to access the main tunnels where the workers were believed to be trapped.”
Gayunman, hindi niya matiyak kung kailan sisimulan ang naturang underground search and rescue dahil wala pang daan.
Naunang sinabi ng Ministro ng Depensa na si Luis Cresencio Sandoval na ang lebel ng tubig sa isa sa tatlong shaft na susubukang pasukin ng mga rescuer ay nabawasan ng 70 sentimetro (27 pulgada), mula sa noong una’y higit sa 30 metro. Ang dalawang iba pang shafts ay mayroon pa ring 3.9 at 4.7 metro ng tubig.
Ikinukonsidera ng mga awtoridad na ang 1.5 metrong lebel ng tubig ay puwede na para maka-access.
Sinabi pa ni Velazquez, “In any case, we’re going to continue pumping… The process is slow but we don’t want to take any risks.”
Nagawang makatakas ng limang minero sa unang aksidente, kung saan tinamaan ng mga minerong nagsasagawa ng excavation activities ang isang katabing lugar na puno ng tubig.
Sinabi naman ni Armando Ontiveros, isa sa mga minero na nagboluntaryong tumulong sa mga rescuer, na maaring may tyansa na ang mga manggagawa ay nasa mas mataas na bahagi ng minahan sa ibabaw ng tubig.
© Agence France-Presse